Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong
patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng
Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza
Miranda.
Ang
estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may
maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang
paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.
Ang
mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9,
ipinagdiriwang ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing ito
bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas.
Siyam na milyong mga deboto ang
nakilahok sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno sa Maynila, inihayag ng
National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Huwebes.
Nakasaad sa ulat ng NDRRMC nitong
Huwebes na umabot sa siyam na milyon ang bilang ng mga deboto noong Miyerkules
ng 5:30 ng hapon, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman
Francis Tolentino.
Ayon sa NDRRMC, 24 mga deboto ang
nasugatan o nahimatay. Ayon naman sa sa tala ng Red Cross, umabot sa 860 ang
minor injuries, 36 ang major injuries at 577 ang mga nagpakonsulta kaugnay ang
kanilang blood pressure.
Paglilinis sa kalat na
naiwan
Samantala, nagsimula nang maglinis ang
mga nakatalagang crew nitong Huwebes ng umaga sa kalat na naiwan ng mga
debotong nakilahok sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno nitong
Miyerkules sa Quiapo, Manila.
Tumulong ding maglinis ang mga
residenteng naninirahan malapit sa Plaza Miranda at Quiapo Church matapos
maibalik ang imahen ng Nazareno sa simbahan, ayon sa ulat ni Carlo Mateo sa
radio dzBB.
Nagpasaboy naman ng tubig sa Plaza
Miranda ang isang fire truck upang matanggal ang masamang amoy na naiwan ng
ilang mga deboto, ayon sa ulat. Maliban sa pag-iiwan ng mga basura, inihian ng
ilang mga deboto ang mga pader malapit sa plaza at simbahan.
Sa taong ito, nagtapos ang pagdiriwang
ng pista lagpas 1 ng madaling araw ng Huwebes matapos ang 18-oras na prusisyon. — Amanda
Fernandez/RSJ, GMA News