Biyernes, Pebrero 7, 2014

Pista ng Nazareno (Quiapo Church)

Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.
Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.
Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas.
  













Siyam na milyong mga deboto ang nakilahok sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno sa Maynila, inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Huwebes.

Nakasaad sa ulat ng NDRRMC nitong Huwebes na umabot sa siyam na milyon ang bilang ng mga deboto noong Miyerkules ng 5:30 ng hapon, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino.

Ayon sa NDRRMC, 24 mga deboto ang nasugatan o nahimatay. Ayon naman sa sa tala ng Red Cross, umabot sa 860 ang minor injuries, 36 ang major injuries at 577 ang mga nagpakonsulta kaugnay ang kanilang blood pressure.

Paglilinis sa kalat na naiwan

Samantala, nagsimula nang maglinis ang mga nakatalagang crew nitong Huwebes ng umaga sa kalat na naiwan ng mga debotong nakilahok sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno nitong Miyerkules sa Quiapo, Manila.

Tumulong ding maglinis ang mga residenteng naninirahan malapit sa Plaza Miranda at Quiapo Church matapos maibalik ang imahen ng Nazareno sa simbahan, ayon sa ulat ni Carlo Mateo sa radio dzBB.

Nagpasaboy naman ng tubig sa Plaza Miranda ang isang fire truck upang matanggal ang masamang amoy na naiwan ng ilang mga deboto, ayon sa ulat. Maliban sa pag-iiwan ng mga basura, inihian ng ilang mga deboto ang mga pader malapit sa plaza at simbahan.

Sa taong ito, nagtapos ang pagdiriwang ng pista lagpas 1 ng madaling araw ng Huwebes matapos ang 18-oras na prusisyon.  Amanda Fernandez/RSJ, GMA News


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento